DYIP
10-13-05
akala ko ayos na ang lahat..
balik sa dating gawi..magkaibigan taong muli..
nagpansinan ng Miyerkules..
ayos lang nang Lunes at Martes..
masaya kang pumapasok, masaya ako para sayo..
pero di ko malaman kung bakit ganito..
pakiramdam ko, kelangan ko ng sagot sa mga katanungan sa utak ko..
kaya nang maiwanan akong tulala sa sasakyan..
sinubukan kong tumingin sa kawalan..
humingi ng senyales sa Diyos..
na kung mya dadaan na dyip na may apelyido mo..
nakalaan ka para sa iba...at kung di nman...may pag-asa pa ang puso kong tanga.,.
hayun nga ako..naghintay at nagmasid..
nagulat ako sa dumaan sa aking gilid..
tatlong bese pa nga..nakapinta ang iyong pangalan..
parang pinamumukha talagang ika'y dapat ko nang layuan..
alam ko weirdo man..pero ako'y naniwala..
kaya heto ako..umiiyak at nag-iisip..
paano ko lilimutin ang damdaming dala-dala ng apat na taon na..
napakahirap pero alam kong ito ang nararapat..
kung pwde nga lang mabuhay na di tumitibok ang puso..
ginawa ko na..para lang..
makawala ang puso kong di mo man hawak ay iyo na..
(mixedmasks,10:04 PM)