UN LANG...MAWAWALA KA NA...
15th day of December..year 2005...
Namumuo na naman ang luha sa gilid ng mga mata ko.Ang oras..patuloy na tumatakbo pero ang utak ko,parang pinigilan ito.Oo, may tugtog ng musika sa paligid ko ngayon, pero parang ang iniintindi lang ng tenga ko,ang tunog ng hinanakit sa puso ko.Ang mata ko, nakatutok sa monitor ng screen ng computer namin pero parang ikaw ang nakikita ko,nalalakad palayo.Un lang naman, 2 buwan na lang,mawawala ka na sa mundo ko.Hindi mo man lang malalaman na mahal kita.Ayan tuloy,tumulo na ang luha ko.
Ang hinga ko, bumabagal.Pilit na umaandar ang utak ko, iniisip ka..ang unang pagkikita sa gym,ang pabuhat mo ng paper bag ko nung pauwi ako,ang pansinan, tinginan, asaran,usapan sa telepono, kasama na rin ang masasakit na sandali na kasama mo ung taong nagustuhan mo...habang ako,pinipilit maging manhid at nagbubulagbulagan na kunyari,wala akong nakikita. Parang kailan lang lahat ng panahon iyon.Ngayon, matatapos na ang taon,halos hindi na tayo nag-uusap. Tinginan,ngitian at pansinan,hanggang doon na lang. Gusto man kitang makasama, hindi ko magawa dahil ayoko namang ipilit sa'yo ang sarili ko. Siguro nga,dapat,kalimutan na kita.Kung ganon nga lang kadalin limutin ka,sana dati ko pa nagawa pero anong magagawa ko, mahirap lumimot ng taong minahal mo pero hindi ka naman minahal.
Ano pa bang masasabi ko?HIndi ko na alam. Magpapasalamat na lang ako sa'yo ngayon. Salamat sa lahat ng masasayang alaala. Salamat din sa pagpapakita sa akin na mabuti akong kaibigan at ang masakit, hanggang doon na lang.Salamat sa mga masasakit na karanasan at natutunan kong umiyak, masaktan at sumulat tungkol sa mga nangyayari sa atin. Salamat sa pagiging inspirasyon ko sa lahat ng panahon, kahit hindi mo alam. Huli, salamat at nandyan ka kaya natutunan kong magmahal kahit walang kapalit. Natutunan kong pahalagahan ang isang taong hindi akin at sana. matulungan mo din akong limutin ka.Pasensya na rin, hindi ko sinsadyang mahalin ka.
Hindi mo siguro 'to mababasa kahit kailan. HIndi ko alam kung bibigyan ba kita ng kopya. Basta kung saan mang landas ka papunta, maging masaya ka na sana dahil hindi mo alam, ako ang unang taong naapektuhan pag mag-isa ka at nakasimangot sa kawalan. HIndi ko na gustong gambalain ka. Saan mang landas ako papunta, di ko makakalimutang minahal kita.
Basta kapag wala ka na, dala mo pa rin ang mundo at puso ko...na hindi mo alam pero tinangay mo na...paalam...
Merry Christmas.
(mixedmasks,3:43 PM)