UNTI-UNTI
Dec.21,2005
minsan tlga..okei yung ganito..wlang pasok..
oo alam ko boring...pero sa mga panahon na tulala lang ako..
mas nakakapagisip ako tungkol sa mga bagay na nawawalan na ako ng panahon..
tulad na lang ng tungkol kay ano..
unti-unti ko naiisip...bakit kelangan ko syang iwasan?
la nman kame sakit pareho?
tska di ba..mahalaga sya saken?e di dapat ipakita ko yon..
pero bilang kaibigan nya..
kse kung di tlga sya..e di hinde..
kung sya,e di masaya..
di natin kailangan ipagpilitan ang sarili natin sa isang taong may ibang gusto..
dahil dadating din ung tamang tao sa tamang panahon..
at sa puntong yon..hindi ka na masasaktan..kse mahal ka rin ng taong yon..
"Hindi natin kailangan hanapin ang pag-ibig...dahil dadating din yan pag handa na tayo.."
Isa pa, hindi lang naman yan ang pag-ibig sa mundo..nandyan ung mga taong nagmamahal sa atin..at ngayon..mas nabibigyan ko sila ng panahon..
at panghuli...bket ka hhanap ng pagmmahal ng iba?e nandyan naman ang pagmamahal mo sa sarili mo..sa kasalukuyan..mas napag-iisipan ko ang mga pangarap ko..mga gusto kong gawin..mas nakikilala ko ang sarili ko sa panahon na nakatulala ako,nag-iisip o nagdadasal..
naniniwala ako..kaya ko rin lagpasan lahat ng gumugulo sa isip ko...kakayanin ko.,kahit paunti-unti lang..
(mixedmasks,6:37 AM)