Akala mo lang
Nagmamasid,nananahimik sa sakit
Nakangiti at tumatawa ngunit malungkot kahit anong pilit
Naluluha,humihinga kasabay ng ibang tao
Ngunit kahit anong gawin,hindi mo mapansin ang tunay na ako
Nakikitawa at nakikibiro sa'yo ng paminsan-minsan
'Di maipakita ang tunay na nararamdaman
Kahit anung gawing pagbubulag-bulagan
Nadarama sa bawat tingin at kilos kung pano mo siya pahalagahan
Nakikisama,nakikihalo sa bawat kwento at samahan
Nagmamahal,kahit anong sakit pa ang maranasan
Lumalaban,tumatakbo ng palayo sa'yo
Umiiwas ngunit naghihingalo dahil nasayo ang puso ko
Nauubos ang oras, sana ang luha ko'y ganun din
Para hinanakit ko 'pag kasama mo sya'y di mo mapansin
Kahit ano'y pilit,ika'y mahal pa rin
Pero kahit kailan sayo'y hindi ko sasambitin
Bahala ka nang hulaan para kanino 'to
Kaya ayokong nagoonlayn eh..nakakagawa lang ako ng ganito..
Nasasaktan lang ako..
(mixedmasks,11:37 PM)