BIGLAAN
(para sa mga taong nakakaapekto sa buhay ko..salamat..)
Sa buhay natin,maraming biglaan
Dumaraan,dumadating at umaalis ng minsan
Mga karanasan o pangyayaring di inaasahan
Pero mas madalas ay ang mga taong di malilimutan
Merong mga taong makakasama mo ng matagalan
Makakasalo sa iyakan at tawanan
Pero di maiiwasang magkalayo ng minsan
Pero sa puso't isipan,magkaibigang pangmatagalan
Meron din namang sa buhay ay biglang susulpot
Mangungulit at magpapatawa upang problema'y malimot
Bihira man magkasama ngunit pag sya'y nandyan na
Sa tingin at kilos lang,tunay na kaibigan talaga
Ang malupit ay ang 3 in 1 na
Kaibigan,kaasaran at magulang sa eskwela
Sa bisig niya,pwedeng tumawa at lumuha
Sa kalokohan at problema,maasahan talaga
Iba't ibang tao man,hatid ay iba't ibang emosyon
Sila'y dumating man sa iba't ibang panahon
Mga bahagi ng buhay na nagdulot man ng hinanakit o tuwa
Sila'y mahalaga sa buhay, di 'yon maikakaila
(mixedmasks,9:53 PM)