Malungkot
(sagot sa tulang masaya ni Ralph Sabog)
(yan ha,request granted!)
Hoy wanda,ano..musta ka na?
Sa inalay mong tula mo,ako'y nabigla
Ako'y ehemplo mo pala bilang taong malungkot
Iyakin,tulala man o nakasimangot
Pero hindi na ako magtataka sa iyong naisulat
Dahil tama naman ang iyong isiniwalat
Isip ko'y negatibo,mukha'y 'di maipinta
Pero sa totoo lang,ninanais ko ring sumaya
Oo, sumaya kalimutan ang problema
Ngumiti palagi at punasan ang luha
Ngunit tila natural na sa akin ang nadarama
Ang drumama,mabahala at mabalisa
Pero salamat,bihira ang tulad mo..
Ang napapansin ang malungkuting tulad ko
Isa kang tunay na kaibigan, yan ang masasabi ko
Isa sa dahilan ng bihirang pagtawa't pagngiti ko..
Sa pang-aasar at pagkanagger mo,natatawa ako
Sa pagkasabog at pagkahigh,nawiwindang ako..
Pero pag pinagtripan mo ulit ang braso ko..
Nandito lang ako..sapakan na lang tayo..
biro lang..pero salamat tlga,un ang totoo..
minsan,makikita mo na lang,nakangiti na ako..
(mixedmasks,7:04 PM)