...MiNsAn...
minsan, tumungtong ako ng hayskul
minsan, naging tahimik ako...
minsan,biglang umingay ako...
minsan,may nakilala akong mga taong tunay na kaibigan
minsan may nakilala din akong mga taong di ako trip..
minsan umiyak ako.
minsan tumawa ako..
minsan natuto akong magmahal..
minsan nakatagpo ng taong mamahalin..
minsan nakatagpo ng taong magmamahal..
minsan,di talaga sila pareho..
minsan akong nasaktan..
minsan akong nadapa..
pero minsang nabuo ulet..
sa tulong ng iba..
minsang ginustong mamatay..
o magpakamatay na lang..
minsang nakilala ka...
minsan..naging malapit..
minsang lumayo..
at ako..minsang binuo mo..
at ngayon..winawasak mo sa iyong paglayo..
sa panahong ito tuloy..
minsan,ayoko nang magising..
na bka lang sa paggising ko..
ang manatili na lang ay ang mga alaalang iniwan mo..
(mixedmasks,9:39 PM)