TEARY-EYED
alam kong hindi masaya..
pero di ko maiwasang magbilang..
labing walong araw na lang ng samahan..
huling araw ng mga practices..
huling araw sa pagpasok sa meris..
huling araw sa paglakad sa mga isawan..
huling pagbati sa mga guard..
huling pagtambay sa quad kung san naganap ang mga
paghihirap sa scl gatherings..
huling pagrerecess ng voice o value meal..
huling paglunch ng bacon and cheese o yampo meal..
huling tawanan..
huling iyakan..
huling kulitan..
huling yakapan ng mga magkaklase..
huling asaran..
huling aminan ng mga nararamdaman.
malapit na ngang magtapos..
pero sana..hindi pa huli ang lahat..
para maayos ang dapat iayos..
maamin ang dapat aminin..
maiparamdam ang pagmamahal na di madalas sambitin..
sana kayanin kong..
gawin ang lahat ng ito..
sana di pa huli ang lahat..
sana di ako takasan ng oras..
(mixedmasks,10:41 PM)